PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS LUSOT SA 2ND READING

LUSOT na sa ikalawang pagbasa ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na layong ipagpaliban ang 2022 Regional Elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Layon ng House Bill 10121, na iurong ang first regular election ng BARMM sa taong 2025.

Ibig sabihin lamang, ang naturang panukala ay magbibigay kapangyarihan sa Pangulo na i-appoint ang 80 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na magsisilbi hanggang Hunyo 30, 2025.

Nakatakda namang isalang sa ikatlo at hu­ling pagbasa ang naturang panukala sa mga susunod na araw.

Magugunitang nais ng BTA na ipagpaliban ang eleksyon dahil sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic.

Samantala, dumistansya naman ang Palasyo sa naturang isyu at sinabing ‘neutral’ ang katayuan dito ng Pangulo.

7 thoughts on “PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS LUSOT SA 2ND READING”

Comments are closed.