PAGPAPATUPAD NG ‘SAFETY AND HEALTH’ PROTOCOL KINATIGAN NG GAB

Abraham mitra

TAMA at nasusunod ang ‘safety and health’ protocol na ipinatutupad ng Games and Amusements Board (GAB) batay sa patuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) bilang pagtugon sa panawagan ng professional sports sector na makabalik na sa aksiyon ang mga liga.

Sa positibong pananaw tinitingnan ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang sitwasyon sa kasalukuyan ng mga professional league na pinayagan sa kanilang ‘no audience return to action’ sa mga lugar na may mababang community quarantine status.

“Nakalulungkot isipin na may mga players at personnel sa mga sports na nagbalik aksiyon na ang tinamaan ng COVID-19, pero dapat natin itong tingnan sa positibong aspeto higit ang nakita rito na epektibo ang mga ipinatupad nating ‘safety and health’ protocol,” pahayag ni Mitra.

Sa pagpayag ng IATF na muling buksan ang professional sports batay na rin sa rekomendasyon ng Joint Administrative Order (JAO) na nilagdaan ng GAB, Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH), mahigpit ang habilin ng IATF hingil sa medical protocol, kaakibat ang regular na pagsasailalim sa swab test ng mga individual na sangkot sa ‘bubble type’ league.

Kamakailan, isinailalim sa quarantine at hindi muna pinaglaro ang koponan ng Perlas sa Premier Volleyball League (PVL) matapos mag-positibo ang isang miyembro ng crew ng koponan sa ginawang swab test bago ang pagpasok sa bubble.

Matapos ma-clear ang lahat ng miyembro at pawang nagnegatibo sa sumunod na test, kaagad na itong sumabak sa laban. Sa kasalukuyan tangan ng Perlas ang 1-4 karta.

Sa Philippine Basketball Association (PBA) ay pansamantala ring naantala ang mga laro ng Talk ‘N Text matapos magpositibo ang ilang players.

“Ito ‘yung sakripisyo na talagang kakaharapin natin. Hindi naman natin kasing isantabi ‘yung katotohanan na kabuhayn din ng ating mga players at personnel ang nakataya kung hahaba pa ang panahon na mahihinto ang mga liga. Pero, tititingnan talaga namin  sng sitwasyon sa positibong pamamaraan,” pahayag ni Mitra.

Iginiit ni Mitra na nakatutuk ang GAB sa mga galaw ng mga liga para masiguro na hindi papalya ang medical team na nakabantay at nagpapatupad ng ‘safety and health’ protocol.

Bukod sa PVL at PBA, nagbalik-aksiyon na rin ang VisMin Super Cup sa South para sa kanilang Mindanao leg, habang nagpapatuloy na rin sa bubble setup ang National Basketball League, Women’s NBL, Philippine Football League at golf.

“Tuloy-tuloy na rin po ‘yung ating pagbabantay sa karera at may mga OTB (Off Track Betting) na rin na nabuksan sa mga may mababang level ng quarantine. Sa isyu ng sabong, ‘yung mga local government unit na po ang nagdedesiyon diyan,” dagdag ni Mitra.   EDWIN ROLLON

3 thoughts on “PAGPAPATUPAD NG ‘SAFETY AND HEALTH’ PROTOCOL KINATIGAN NG GAB”

  1. 298473 653387Hiya! Fantastic weblog! I happen to be a every day visitor to your website (somewhat much more like addict ) of this website. Just wanted to say I appreciate your blogs and am looking forward for much more! 583697

  2. 536754 903600I discovered your blog website on google and check several of your early posts. Continue to keep up the quite excellent operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading much more from you later on! 877429

Comments are closed.