PAGPUSLIT NG DROGA SA SELDA NADISKARIL

droga

QUEZON CITY – IPINAHAYAG ni Que­zon City Police Director Director, Gen. Ronnie S. Montejo ang pagkakaaresto sa isang lalaki, matapos tangkain nitong ipasok ang shabu sa kulungan ng Cubao Police Station (PS7).

Nabatid na ipinalaman ang droga sa isang tinapay ay nagkunwa­ring pasalubong sa preso.

Ayon sa report ni PMAJ. Fortunato Ecle Jr. Officer in charge ng QCPD Station 7,  kinilala ang suspek na si Pedro Pacatang Jr., 47-anos, miyembro ng sputnik gang at nakatira sa Mandaluyong City.

Sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi noong Biyernes nang bumisita si Pacatang, sa kanyang kaibigan na nakapiit na may kaso ng illegal gambling at pawang miyembro rin ng sputnik gang.

Habang isinasagawa ng duty jailer ang isang routine inspection sa kulungan, natagpuan umano nito ang shabu na nakapalaman sa dalang tinapay ni Pacatang.

Dahil dito, agad na inaresto ang suspek at kasalukuyang sasampahan ng kaukulang kaso ng pulisya. PAULA ANTOLIN