IPINAGMALAKI ng Manila Police District na naging tahimik at ligtas ang naging selebrasyon ng Bagong Taon sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD Director Sr. Supt. Vicente Danao Jr., walang Manilenyo ang nabiktima ng stray bullet at wala ring police officer ang nasangkot sa pagpapaputok ng baril.
Bukod pa umano sa bumaba ang bilang ng mga nabiktima ng paputok kumpara noong nakalipas na taon.
Ayon kay Danao, bunga umano ng paghahanda at koordinasyon sa ilang ahensiya ng pamahalaan at government agencies tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Health (DOH) at iba’t ibang Local Government Units (LGUs) at kooperasyon ng publiko.
Tiniyak rin ni Danao na patuloy ang kanilang kampanya laban sa krimen at kaligtasan ng Manilenyo.
Bukod pa sa binabantayan din ni Danao ang kanyang mga tauhan para matiyak na ginagampanan nila ng tama ang kanilang mga trabaho. PAUL ROLDAN
Comments are closed.