Nabigyan ng libreng serbisyo ng kuryente ang 124 na kabahayan sa Barangay 631 at 633 sa ilalim ng Household Electrification Program ng OMF.
Bunsod ito ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni 6th District Rep. Benny Abante bilang bahagi ng layuning makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Nasa larawan (mula sa kaliwa) sina Meralco Head of España-Tutuban Business Center Dante B. Longboen, OMF President Jeffrey O. Tarayao, Barangay 631 Chair Irene R. Rillo, Manila City Vice Mayor John Marvin “Yul” C. Nieto, Rep. Abante Jr., Meralco HMB-Central Business Area OIC Head Juan Paolo P. Cruz, OMF Program Manager Michael J. del Rosario.