PALASYO ‘DI NABAHALA SA PAGKASAMA SA HIT LIST NI DUTERTE

DUTERTE-41

INIHAYAG  kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi nababahala ang Malakanyang kung kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte sa hit list ng New People’s Army (NPA).

Una nang sinabi nina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Presidential Security Group Commander Brig. General Jose Niembra na kasama sa hitlist ng NPA  ang Pangulo, subalit  itinanggi naman umano ito ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison.

Siniguro naman ni  Panelo, na hindi  makaaapekto sa isinusulong na peace talks ang mga naturang ulat.

May banta man o wala, sinabi ni Panelo na mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa  Pangulo.