NAKAAMBA ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin simula ngayong buwan ng Pebrero o sa Marso.
Ito ay sa kabila ng pagbaba ng inflation rate nitong Enero 2019 sa 4.4 porsiyento.
Ayon kay Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa – welcome development ang pagbaba ng January inflation rate sa 4.4% pero saglit lang itong mararamdaman ng mga konsyumer.
Asahan na kasi aniya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil na rin sa ikalawang bugso ng fuel excise tax.
Pero ayon naman sa Philippine Statistic Authority, hindi pa nakakaapekto sa inflation rate ang pangalawang bugso ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Hindi pa naman daw kasi nagpapataw ng dagdag na buwis ang ibang mga gasolinahan.
Comments are closed.