PANIBAGONG RIGODON SA PNP NAMUMURO

Archie Gamboa

CAMP CRAME – PINAG-AARALAN na ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge, Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang pagpapatupad ng panibagong bugso ng revamp sa organisasyon sa Enero 20.

Sinabi ni Gamboa na kung kinakailangang magbalasa ay kanyang gagawin ito at mayroon siyang awtoridad na ipa­tupad ang hakbang.

“Kung kinakailangan pa natin magbalasa then I will do it and it is within my authority,” ayon kay Gamboa.

Paglilinaw naman ng PNP OIC, hindi naman niya gagalawin ang mga director sa siyudad, mga provincial at maging chief of police dahil hurisdiksiyon ang mga iyon ng regional directors.

“There were a lot of RDs (regional directors) who actually implemented reshuffle already so mahirap naman na mag-intervene pa ako sa reshuffle at their level,” paliwanag ni Gamboa.

Pahayag ni Gamboa na ang magiging reshuffle sa PNP ay gagawin lamang kung may pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Interior Secretary Eduardo Año.

Paglilinaw pa ni Gamboa, bilang OIC ng PNP, bahagi ng kanyang trabaho ay ipaalam kay Año at kay Pangulong Duterte ang mga promotion at isasakatuparan lamang kapag may approval na.

Inilabas na rin umano ni Gamboa ang performance ratings ng mga official subalit binigyan niya ng isang linggo na magprotesta sa grado su­balit kung hindi na iyon na ang kanilang final grade. EUNICE C.

Comments are closed.