PANTAWID PASADA PROGRAM PINAIIMBESTIGAHAN NI DUTERTE

Duterte

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng imbestigasyon sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan na hindi naisama sa Pantawid Pasada Program.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na may natanggap siyang reklamo na may mga drayber ang hindi nakatanggap ng ayuda.

“Public utility drivers were given assistance through the Pantawid Pasada Program. There are complaints that some drivers did not receive any assistance at all. I have directed the DSWD and DILG to look into this,” pahayag ng Pa­ngulo.

Ayon sa Pangulo, sa ngayon ay nasa 4.3 milyong mahihirap na pamilyang Filipino na ang nakinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Nasa 9.2 milyong beneficiaries naman ang nakatanggap ng subsidiya sa pamamagitan ng Unconditional Cash Transfer program.

Ibinida rin ng Pa­ngulo na naging libre na ang tertiary education at universal health care. EVELYN QUIROZ

‘DEATH PENALTY BY LETHAL INJECTION’ IGINIIT

HINILING din ni Pangulong Duterte sa Kongreso na pagtibayin ang panukalang batas na nagpapataw ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.

Sa kanyang SONA, sinabi ng Pangulong Duterte na ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay may kaugnayan lamang sa mga kasong nasa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“I reiterate my call for the swift passage reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” giit ng Pangulo.

Pabirong sinabi ng Pangulong Duterte, bagaman walang pumalakpak sa mga mi­yembro ng Kongreso nang kanyang banggitin ang panawagang pagpapataw ng parusang kamatayan ay nangangahulugan na hindi interesado ang mga mambabatas na suportahan ang death penalty na agad na umani ng masigabong palakpakan mula sa mga dumalo sa Batasang Pambansa.

“This law will not only help us deter criminality but also save our children from illegal and dangerous drugs,” Duterte said on passing the death penalty.

Taong 2006 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang maipasa ang Republic Act No. 9346 (An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines).       EVELYN QUIROZ

“PUBLIC SERVICE MUST IMPROVED” – DUTERTE

KASUNOD nang pagtukoy sa mga magagandang nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na mga buwan, binigyan-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais na lalo pang pagbutihin ang pagkakaloob ng serbisyo sa taumbayan mula sa gobyerno at nasa pribadong sektor.

Sa kanyang SONA, iginiit ni Duterte ang hangarin niyang maprotektahan ang buhay ng bawat Filipino ngayong panahon ng pag-iral ng tinaguriang ‘new normal’.

“I am committed to protect both physical and digital lives of our law abiding countrymen. The national government shall lead the way in our transition to online system… I reiterate my call to all government instrumentalitists to implement system that shall make physical queing a thing of the past. Panahon na para mawala na ang pila para mapagsilbihan ng gobyerno na walang kahirapan para sa tao,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

Kaya’t  inatasan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na magpatupad ng online service para sa mga makikipagtransaksiyon sa kanila.

“We need to adjust and adopt a paperless type business and performance, we need e-governance for our people, for the services they need at the comfort of their homes or workplaces. It will enable our bureaucracy to better transition into the new normal and minimize red tape,” giit ni Duterte. ROMER  BUTUYAN

Comments are closed.