PAOLO CONTIS, MOTIVATION ANG ANAK

NOEL ASINAS BLOG

SA loob ng anim na buwan, 30 pounds na ang nabawas sa timbang ng Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis.paolo contis

Ayon kay Paolo, na-inspire siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.

Kuwento ni Paolo sa panayam ng 24 Oras, “It’s not really the weight I lose but the life I gain. It’s true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer nang ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, e. Hindi pwedeng ganun. Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”

Aminado rin si Paolo na bukas ang posibilidad na papasukin din ni Summer ang mundo ng showbiz kaya naman tinuturuan niya ito ng iba’t ibang acting techniques na kinaaaliwan naman ng netizens. “Para akong may matandang kausap, grabe nakakatuwa,” say ng aktor. “Deretso na ‘yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita. Tapos may mga acting siya na ‘Ouch! Ouch!’”

Dagdag pa ni Paolo, susuportahan niya kung ano man ang gustong gawin ni Summer in the future. “Cliché man pero kung saan siya masaya pero habang bata, ang ituturo mo lang naman sa kanya are the values para ‘pag sinabak mo siya sa giyera, alam na niya ang lahat.”

Kasalukuyan tampok si Paolo Contis sa mini series I Can See You: The Promise ng GMA.

o0o

SUNSHINE DIZON AT GABBY EIGENMANN, ANO NGA BA ANG WISH NGAYONG PASKO?

Tulad ng marami, wish nina Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann ngayong darating na Kapaskuhan ang matapos na ang COVID-19 sunshine and gabbypandemic. Ang dalawang Kapuso actors ang bibida sa upcoming fresh episode ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado (October 10).

“Sana matapos na ang pandemic at bumalik na sa normal lahat,” share ni Sunshine nang matanong kung ano ang natatangi niyang “wish” this Christmas.

Say naman ni Gabby: “Dalawa lang wish ko: ang matapos na pandemya at maging normal na ang buhay; at higit sa lahat makasama ang mga mahal mo sa buhay nang masaya.”

Parehong nanibago sina Sunshine at Gabby sa taping para sa new episode ng Wish Ko Lang. Para kay Sunshine, unforgettable raw sa kanya ang buong “experience of dealing with the new normal”.

“Una sa lahat ang makabalik sa trabaho, medyo kailangan masanay sa bagong normal,” sabi naman ni Gabby. “Unforgettable yung nakamask ka habang nagba-blocking. Sa mga eksena naman ay yung natabunan kami ng lupa.”

Pinamagatang “Nilamon ng Lupa” ang naturang episode kung saan makakasama rin nila sina Klea Pineda at Kelvin Miranda. Kuwento ito ng pamilyang naging biktima ng isang sinkhole at mapapanood ngayong Sabado (Oct. 10), 4 pm sa GMA Network.

Comments are closed.