MARAMI ang nagtaka nang makita ng televiewers ang presensiya ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros sa programa ni Kuya Boy Abunda, ang ‘Tonight With Boy Abunda’ kamakailan.
Tuloy may nagtatanong kung Kapamilya na raw ba ang TV host actor.
Umapir sa nasabing programa ni Kuya Boy si Paolo para mag-promote ng pelikula nila nina Christian Bables at Martin del Rosario.
Isa sa naging topic ng kanilang usapan ng King of Talk ay kung na-inlove daw ba si Paolo sa kanyang kapwa-aktor.
Sinabi ni Paolo na never pa siyang na-inlove sa mga artistang lalaki kahit na raw mga guwapo pa ang mga ito.
Umamin naman siya na madali siyang ma-inlove. Katunayan marami na rin daw siyang minahal na mga babae noon at mga lalaki.
“Too many to mention,” aniya.
Pero iisa lang daw talaga ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso, ang ina ng kanyang anak.
Tanong ni Kuya Boy kung sino ang pinakamaganda sa kanila nina Christian at Martin.
Ani Paolo, ‘Tito Boy tinatanong pa ba ‘yan?’ sabay tawa.
Sa pagyapak ng Eat Bulaga host sa TWBA marami ang may gustong mag-transfer na raw sana si Paolo sa Kapamilya Network.
Komento ng netizens, “Wala lang siya sa Dos eh. Pero kung nasa Dos ‘yan sobrang sikat na niyan as in. Ngayon pa nga lang sobrang sikat na, paano pa kapag lumipat?”
“Sarap makita ‘yung taga kabilang estasyon ay nakakatawid-bakod.” “Astig talaga this year puwede sila mag-over the bakod para mag-promote ng movie!!! Peace at last.” “Vaklang twooo. Si Paolo dinala ang barangay sa TWBA! Movie sa Star Cinema pls.” “Wait, Paolo certainly knows na napakalaki ng audience ng ABS-CBN.”
Ang opinyon naman ng ibang netizens baka raw ginagamit lang ni Paolo ang ABS-CBN dahil malawak daw ang audience ng nasabing estasyon.
BEA ALONZO AYAW PATULAN ANG INA NI GERALD
HANGGANG ngayon ay tikom ang bibig ni Bea Alonzo hinggil sa isyu ng kanyang lovelife.
Nagsalita na sina Gerald Anderson at maging ang mga magulang ng dalawang celebrity, pero ang magandang actress ay never pa ring naba-basag ang katahimikan.
‘Di tulad ng ina ni Gerald na nagpa-interview kamakailan at kung ano-ano ang sinasabi tungkol sa kanya.
Sinabi ng ina ng Kapamilya aktor na kahit daw naging girlfriend ng anak si Bea ay tahasang sinabi nitong hindi niya gusto ang Kapamilya actress para sa anak mula’t sapul pa.
Isang beses lang nagsalita si Bea, ang tanging sinabi niya ay ang hindi na lang daw sila nag-uusap ng aktor.
Iilang kataga, pero bumaha ang espekulasyon sa social media at doon na napasok ang pangalan ni Julia Barretto na sinasabing third party sa relasyon nila.
Sa pagsasalita ng ina ni Gerald, marami pa rin ang umaayon sa side ni Bea.
Ani ng ilang netizen, si Kim Chiu daw talaga ang gusto ng ina ng aktor.
Pinagbintangan pa ng ina ni Gerald na si Bea ang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Kim at Gerald.
May nagsasabi namang, papano raw na ‘di magugustuhan ng ina ni Gerald si Kim ay panay daw kasi ang pagbibigay ng regalo ni Kim sa pamilya ng ex-boyfriend.
“Siguro si Bea, walang inaabot sa ina ni Gerald kaya hate niya ang actress,” ayon naman sa ibang netizen.
“Kasi binudburan ng mga gifts ni Kim ang mag-ina kaya forever siyang Kimerald.”
Maging ang nakarelasyon ni Bea na si Zanjoe Marudo ay dinamay din ng mother ni Gerald.
Bakit daw nu’n nag-break ang dalawa ay hindi nagsasalita ang Kapamilya actress. Ngayong ang anak daw niya at si Bea ang naghiwalay ay napakalaking isyu sa showbiz. Lalong hindi nagustuhan ng netizen ang sinabi ng ina ni Gerald.
Ang tapang daw ng ina ni Gerald, pero pagdating kay Julia ay halos wala raw masabi ang ina ng aktor.
Sabi ng isang netizen, “medyo takot si mommy baka buweltahan siya ni Marjorie.”
MAYMAY GINULANTANG ANG MGA BEAUTY QUEEN SA KANYANG STUNNING WALK
MULING ginulat ni Maymay Enrata ang mga beauty queens lalong-lalo na si Pia Wurtzbach nang mag-post siya sa kanyang socmed kung saan rumarampa ang young actress na akala mo ay isang modelo.
Ipinakita ni Maymay ang kanyang stunning walk na kakaiba sa paningin ng netizens.
Sobrang na-amazed at na-admired ang ilang beauty queen at celebrators sa paglalakad ni Maymay na feeling isang modelo.
Ani Pia, “Queen “passing through.”
Sabi naman ni Nicole Cordoves, “So ano na ang papangalan natin sa walk na ito ni Maymay.”
Ilang minuto pa lang na naipo-post ang stunning walk ni Maymay ay umabot na agad ito ng 327,000 views.
MOVIE NG KATHDEN KAHILERA NA SA NORTH AMERICA BOX OFFICE FILMS
VERY proud ang Kapamilya aktor na si Daniel Padilla sa girlfriend niyang si Kathryn Bernardo dahil kumita nang husto ang pelikula nila ni Alden Richards, ang ‘Hello, Love, Goodbye.’
Naungusan man ng KathDen movie ang movie nilang ‘Hows Of Us’ ay never na sumama ang loob ni Daniel.
Ani Daniel, “Ang tagumpay niya ay tagumpay ko rin,” deklara ni Daniel.
Nakuhanan ng kaunting pahayag ang aktor sa All Stars nila sa Araneta nu’ng Linggo.
Ang ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kath at Alden ay nakasama na sa listahan ng North America’s Box Office movies.
Dahil sa dalawang achievements na tinamo ni Kathryn siya lang ang kauna-unahang Pinay actress na nakagawa ng dalawang two highest-grossing Filipino films two years in a row.
Comments are closed.