(Para i-deliver ang ika-5 SONA) DUTERTE MAGTUTUNGO SA BATASAN

ATTY HARRY ROQUE

SA BATASANG Pambansa gaganapin ang ika-limang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Lunes, Hulyo 27.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan pisikal na aniyang magtutungo si Pangulong Duterte sa Batasan para ihayag ang kanyang talumpati.

Ayon kay Roque, may mga naka-schedule nang rehearsal para sa SONA habang tuloy-tuloy naman ang preparasyon para rito.

Dagdag ni Roque, hanggang 50 mambabatas lamang ang papa­yagang dumalo sa SONA habang wala pang pinal na bilang para sa mga miyembro ng gabinete.

Magugunitang, ikinonsidera rin ng Malakanyang ang pagsasagawa ng online SONA kung saan haharap sa publiko ang Pangulo mula sa Malago clubhouse sa Malacañang.

Samantala, sinabi ni Roque na posibleng hinggil sa pandemiya at mga ginagawang hakbang ng pamahalaan laban dito ang laman ng talumpati ng Pangulo sa kanyang ika-limang SONA. DWIZ 882

Comments are closed.