NAKATAKDANG umutang ang pamahalaan ng mahigit sa P1 trillion para mapunan ang tinatayang budget deficit sa susunod na taon, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Sa budget briefings sa Kamara, sinabi ni Diokno na ang total revenue projections sa 2023 ay P3.6 trillion laban sa panukalang budget na P5.268-trillion.
“The projected expenditures is P5.1 trillion and there will be a deficit of P1.16 trillion,” sabi ni Diokno.
Nang tanungin ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman kung ang tinatayang budget deficit ay popondohan sa pamamagitan ng muling pangungutang ay sumang-ayon si Diokno.
“We have to finance [through borrowings]. We will rely heavily on domestic sources so there will no foreign exchange risks,” anang Finance chief.
Aniya, 75% ng borrowings ay magmumula sa local sources habang 25% ay foreign sources.
Sa kabila ng inaasahang pangungutang sa 2023, sinabi ni Diokno na “our needs for borrowing will decline significantly because I don’t think we will have another pandemic in the near future.”