(Para matulungan ang local farmers – solon) RICE IMPORTS LIMITAHAN

Magsasaka

DAPAT limitahan ng pamahalaan ang dami ng rice imports sa 2020 upang mapigilan ang kartel sa pagmamanipula ng suplay, ayon sa chairman ng Senate committee on agriculture and food.

Sinabi ni Senadora Cynthia Villar na ang dapat lamang angkatin ng bansa ay ang annual supply deficit nito, na nasa one million metric tons.

Aniya, ang kartel ang dapat sisihin sa mababang presyo ng palay, at karamihan sa cartel groups ay nasa rice-rich Central Luzon.

“We only produce 93 percent, so we import seven percent which is about one million metric tons,” anang senadora.  “Kaya parang nagkakagulo dahil ang cartel parang nako-control nila ang supply ngayon.”

Ang pahayag ay ginawa ni Villar, pitong buwan makaraang isabatas ang Rice Tariffication na nag-aalis sa rice importation limits at nagpapataw ng kaukulang taripa kapalit nito.

Bukod dito, sinabi ni Villar na dapat na mas maghigpit ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapalabas ng sanitary at phytosanitary permits para sa  importers.

“Pahirapin ang phytosanitary permit… Kapag pinahirap nila ‘yun, then malilimit ang importation,” aniya.

Binigyang-diin ng senadora na ang paglalagay ng limit sa dami ng imported rice ay makatutulong sa mga lokal na magsasaka.

“With the loan, training, machinery, seedings and other assistance under the Rice Competitiveness Enhancement Fund, local farmers can become competitive within two years,” dagdag pa niya. CNN PHILIPPINES

Comments are closed.