(Para raw mapalitan na sila) JOHN LLOYD CRUZ KAY VHONG NAVARRO AT TANYA: GAWA KAYO NG MARAMING BABY

INILABAS ni Dra. Vicki Belo sa pamamagitan ng kanyang video ang pagdating ni hotshotsJohn Lloyd Cruz sa ginanap na wedding ni Vhong Navarro sa long-time partner nito na si Tanya Winona Bautista sa Japan.

Nakunan  pa ng mensahe ni Dra. Vicki si Lloydie para sa bagong kasal.

“Gawa kayo ng baby! Marami! Hahahaha! Gawa kayo ng baby, men! Maraming babies, masaya!

“Yun ang magpapaganda sa mundo. Mas maraming  babies. Para mapalitan  ang  kagaya natin! Hahahahaha!” ang bahagi ng  mensahe ni Lloydie .

Sabi  naman ni Dra. Vicki sa kanyang  caption ay, “He still has the charm and dashing good looks.”

Well, dapat lang na magbalik-showbiz na si Lloydie hangga`t  ‘di pa huli ang lahat. Kapag nawala na ang paghanga at paghahangad ng mga nagmamahal sa kanya bilang actor ay siguradong goodbye na rin siya sa showbiz.

HANDANG IWAN ANG SHOWBIZ ‘PAG SINABI NG ASAWA

MAPAGMAHAL na wife at ina si Dimples Romana sa kanyang pamilya kaya hindi  maganda ‘yung lumabas na balita na kumakayod pa rin ito kahit na may sakit ang kanyang husband.

Nakahanda si Dimples na iwanan ang kanyang showbiz career kapag  ito ay sinabi ng kanyang husband na tigilan na ang pag-aartista at maging  isang  housewife at nanay  sa kanilang mga anak.

Hindi  kayang ipagpalit ni Dimples ang kanyang pamilya sa showbiz. Pero walang dahilan para lisanin ng actress ang industry dahil suportado siya ng kanyang mister, lalo na ngayong sobrang  dami ng blessing na dumara­ting sa kanya.

Alam  raw kasi ng husband ni Dimples na ang pag-arte ay isa sa mga  passion nito.

Kahit  na ilang oras lang ang tulog ni Dimples ay sinisiguro nito na may nakalaan siyang oras para sa kanyang pamilya.

Tulad ngayon na may balitang may inaayos na bagong project para kay Dimples kahit wala pang balita kung kailan magtatapos ang kanyang ser­yeng Kadenang Ginto.

Comments are closed.