PARA SA LIGTAS NA PAGMAMANEHO, DEFENSIVE DRIVING ISAULO 

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!

Sa kabila ng maraming suliraning kaakibat ng COVID -19 pandemic, unti-unting suminag sa katauhan ng ating mga kawawang drayber ang silahis ng bahagyang pag-asa nang bigyang pahintulot ng ahensiya ng  pamahalaan sa transportasyon na bigyan silang muli ng pagkakataong gumulong sa mga lansangan sa mga rutang sakop ng metropolis.

Ang sektor ng transportasyon ay naging biktima ng pandemya na ang naging lunduan sa maraming buwang nagdaan nang biglang dumatal nang wala sa panahong pagpapahinto sa kanilang operasyon upang maiwasan ang pagkahawa ng mga pasahero sa nakahahawang sakit na ito na hanggang sa ngayon ay wala pang pansagkang bakuna na natutuklasang makasuaugpo sa pagkalat nito.

Gayunman, daing pa rin ng mga drayber na bagama’t naibalik sila sa mga rutang dati nilang ginugulungan sa panahon ng kanilang paghahanapbuhay para sa kapakanang pang hapagkainan ng mag-anak ay limited naman ang kanilang take home pay dahil sa physical distancing ng pasahero sa mga sasakyan.

Nilagyan ng partisyon ang bawat upuan na kung dati ay sampuan ang nakalululang pasahero ay ginawa na lamang itong limahan at nilagyan ng partisyon ang bawat upuan para hindi magkaroon ng pagkahawa ang magkakatabing pasahero.

Sa kabila nito, idinaraing ng mga driver na hindi naman pinahintulutan ng ahensiya ng transportasyon na taasan ang pasahe bagama’t blessing na rin ito sa kanila na kahit sa maliit na take home pay na kanilang mula sa pagmamaneho sa  loob ng maghapon ay hindi na sila namamalimos sa mga lansangan para umamot na kaunting baryang maibibili ng kahit anong pantawid gutom ng mag-anak.

MMDA CHAIRMAN NABULAGA SA DAMI NG AKSIDENTENG NAGAGANAP LIKHA NG BUHOL-BUHOL NA TRAPIK

Nabulaga si Chairman Danny Lim sa unang yugto ng kanyang panunungkulan bilang chairman ng MMDA nang masaksihan niya na ang karamihan sa mga aksidenteng nagaganap ay sa panahon ng pagbubuhol ng trapik sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng MMDA, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente sa panahon ng traffic mess sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa masinop nilang pag-aaral, nakabuo sila ng mga panuntunan o tip sa mga drayber upang maging ligtas sila sa pagmamaneho sa gitna ng buhol ng trapiko para sa kapakanang pangkabuhayan, ligtas sa anumang aksidente at higit sa lahat, mabigyan ng wastong akademya o edukasyon ang mga drayber na karaniwang pasaway sa lansangan.

Dahil dito  nagpalabas ng mga payong pangkaligtasan ang MMDA para sa ating mga kapasada tulad ng:

  1. PUMUWESTO SA TAMANG LANE

Tuwing magmamaneho, importanteng manatili sa tamang lane ng kalsada.  Bukod sa magiging mas maayos ang daloy ng mga sasakyan, maaari ring maiwasan ang pagkakadamay sa traffic  accident.

Ayon sa siyensiya, ang daloy ng trapiko na organisado ay matatawag na “LAMINAR FLOW” at “TURBULENT FLOW” naman ang kabaligtaran nito.

Mas maliit ang tsansa na magkaroon ng pagkakarambola ang higit sa isang sasakyan kung susundin ng ating mga drayber  ang tamang lane sa kalsada.

  1. IWASANG MAGMANEHO MALAPIT SA MALALAKING SASAKYAN

Kailangang mag-ingat kung ikaw ay nagmamaneho kasunod ng isang malaking sasakyan tulad ng trak o bus.

Iwasan ding makipaggitgitan sa mga ito sapagkat mawawalan ka ng sapat na espasyo sa lane kung dumating ang panahong magkaroon ng biglang may masiraan ng sasakyan.

III. GUMAMIT NG SIGNAL LIGHTS

Kung talagang hindi maiiwasan ang paglipat ng lane o pag-swerve, huwag kalilimutang sumunod gumamit ng signal lights upang mabigyan ng hudyat ang mga sumusunod na sasakyan.

Siguraduhing gumagana ang inyong brake light upang mabigyang babala ang kasunod ninyong sasakyan kung ano ang inyong gagawin at makapagsaga-wa naman ng karampatang aksiyon ang inyong kasunod para makaligtas sa anumang ‘di inaasahan.

  1. MAGSUOT NG SEATBELT

Bukod sa mayroong Seatbelt Law na mahigpit na ipinatutupad, ang pagsusuot ng seatbelt ay lubhang kailangang pangkaligtasan.

Sakaling magkaroon ng banggaan, mas maiiwasan ang higit na pinsala sa katawan kung may suot na seat belt Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization (WHO) noong  2013,  40% hanggang 50% ng mga front seat passenger ang nakaliligtas sa tiyak na kamatayan dahil sa paggamit ng seat-belt.

Mababawasan daw kasi ang impact o puwersa ng pagkabangga ng sasakyan kapag nakasuot ng seatbelt ang driver o pasahero.

  1. MANATILI SA NORMAL DRIVING POSITION

Hanggang  maaari, iwasan ding yumuko, mas malaki raw kasi ang pagkakataong tumama ang ulo sa windshield kung mabangga ang sasakyan.

Panatilihing nakatunghay at ituon ang pananaw sa paligid at sa unahan upang makita ang anumang  kaganapan sa kasalukuyan.

  1. IWASAN ANG TAILGATING

Iwasan ang tailgating o pagmamaneho na sobang nakatutok o sobrang lapit sa kaharap o sinusundang  sasakyan.

Ayon sa direktiba ng Transportation Science of the Philippines, may tinatawag na tatlong segundo (three seconds) na palugit sa pagitan ng iyong minamanehong sasakyan at ng sasakyang sinusundan.

Isa ito sa cardinal rule sa batas trapiko na ang layunin ay kung biglaang may tumigil o masangkot sa traffic accident ang iyong sinusundan, mayroon pang oras para ikaw ay makaiwas.

VII. KABILAAN ANG MGA NAITALANG AKSIDENTE SA KALSADA ARAW-ARAW

Ayon sa obserbasyon ng MMDA, matinding trapiko ang dala nito lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Upang makaiwas sa aberya, sundin ang mga tamang batas-trapiko.

Igalang ang mga traffic signages, road markings at mga katulad na batas-trapiko para ligtas sa huli at iwas sa aksidente.

Comments are closed.