PASAHE IBALIK SA P8.00

Harlin Neil Abayon III-2

HINILING ng isang kongresista na magpatupad na ng rolbak sa pamasahe sa jeep dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Giit ni Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon III, ibalik na dapat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P8 ang  pamasahe dahil malaki naman na ang nabawas sa presyo ng krudo.

Paliwanag ni Abayon, kailangan nang magpatupad ng urgent rollback upang agad itong mapakina-bangan ng mga commuter at makatulong sa tumataas na gastusin sa bansa.

Wala na aniyang economic at legal basis para sa kasalukuyang public transport fares.

Pinagko-convene ng mambabatas ang LTFRB para agad na ibalik sa P8 ang pamasahe sa jeep sa unang apat na kilometro.

Hinikayat din ng kongresista ang LTFRB na sumunod sa ‘parametric formula’ ni Transportation Sec. Ar-thur Tugade kung saan awtomatikong ma-a-adjust ang PUV fares na hindi na kinakailangan ang fare hike o rollback petition at ibabase ang fare adjustment sa inflation at paggalaw ng presyo ng langis at krudo sa pandaigdigang merkado. CONDE BATAC

Comments are closed.