PASILIDAD NG DSWD, GAGAWING QUARANTINE SITE NG PUM

Sec Rolando Bautista

HANDANG magsilbing quarantine site ang pa­silidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay bilang ambag ng ahensiya sa pagsugpo sa 2019-novel coronavirus matapos ialok sa pagpaggamit ng kanilang mga pasilidad para sa mga persons under monitoring (PUM).

Nilinaw ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nararapat munang pumasa sa mga pamantayan na itinakda ng Department of Health (DOH) ang mga pasilidad na ito.

Aniya, hindi pa naman naaprubahan ng DOH ang anuman sa kanilang mga pasilidad bilang quarantine site.

Kasunod nito, nakatakdang isailalim naman sa pagsasanay ang mga social workers na namamahala sa mga pasilidad kung paano asika­suhin ang mga PUM.

Bukod pa rito, magkakaloob din ang mga ito ng personal protective gear bago asikasuhin ang mga PUMs para sa psychosocial interventions at stress debriefing. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.