PASSION GINAWANG PROFESSION SA TULONG NG TESDA

ANG kanyang hilig ay ginawang propesyon upang maabot ang kanyang pangarap na negosyo. Sa edad na 24, natupad na ni Jay-R B. Guisdan ang kanyang pangarap na magkaroon ng isang café na pinangalanang Twine Café, na ngayon ay Tinali Café sa tulong ng kurso na kanyang tinapos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Natapos niya ang kanyang unang technical education and skills development (TESD) program na Bread and Pastry Production NC ll noong 2014.

Jay-R Guisdan.jpgSi Jay-R ang 2018 TESDA Idol ng CAR (Cordillera Autonomous Region) at napabilang sa top 20 nominees para sa 2018 Idols ng TESDA Contest sa national level.  Ang nasabing patimpalak ay kasama sa mga tampok na programa tuwing TESDA anniversary celebration.

Kapwa overseas Filipino workers (OFWs) ang kanyang mga magulang at dalawa silang magkapatid.

Gayunpaman, hindi umano regular ang pagpapadala ng pera ng kanyang mga magulang, kaya kinakapos silang magkapatid sa kanilang panustos sa pag-aaral at sa pang-araw-araw na gastusin.

Pagka-graduate ng high school, nag-enroll si Jay-R sa Benguet State University (BSU) at kumuha ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurial Technology (BSET).

Gayunpaman, noong nasa third year college na siya, isiningit niyang mag-enroll sa Cordillera Quest (CQ), isa sa mga accredited tech-voc schools ng TESDA, at kumuha ng kursong Bread and Pastry Production.

“Nagka-interes ako sa tech-voc (technical-vocational) to enhance my skills,” ani Jay-R, at nag-take siya ng tech-voc course habang tinatapos ang kanyang kurso sa kolehiyo.

Ang kanyang kinikita sa pagbe-bake ay kanyang ipinanustos sa pag-aaral sa kolehiyo hanggang sa makatapos ito noong 2015.

Upang higit na mapalawak ang kanyang kaalaman at kasanayan sa pagluluto, kumuha pa siya ng tech-voc course na Cookery NC ll na kanyang natapos din noong 2015 sa CQ.

Pagka-graduate, kinuha si Jay-R bilang substitute trainer sa Cordillera Quest para sa kursong Bread and Pastry Production at Cookery.

Tumigil siya sa pagtuturo noong Abril 2017 upang tutukan na ang kanyang itinayong negosyo na Tinali Café na matatagpuan sa IB-52 Batag, La Trinidad, Benguet.

Nag-o-offer din s’ya ng catering service kung may customer na gustong kumuha ng kanilang serbisyo.

Kinuha din siyang coach sa mga kumpe­tisyon gaya nang idinaos na Fruit Car­ving HRS Competition Ubda-Daing 2016 at Cake Decoration, 2016 Adivax Provincial Skills Competitions.

Nagkaintres siya sa tech-voc dahil pure skills training ito at hindi umano ito more on theories.

Payo nito sa mga gustong marating ang kanyang naabot, “make your passion your profession, sipag at tiyaga.”

Lagi niyang ini­rererekomenda sa mga kabataan, kaanak at iba pang tao na kumuha ng tech-voc courses ng TESDA dahil mala­king tulong ito upang makakuha sila ng magandang trabaho.

Aniya, ang TESDA ay isang malaking tulong sa edukasyon ng mga Filipino dahil ito ay nagbibigay ng angkop na kaalaman at skills na puwedeng pagsimulan ng trabaho, hindi lamang sa Filipinas, kundi pati sa ibang bansa.

Malaki ang pasasalamat ni Jay-R sa TESDA dahil sa tulong nito, s’ya ay nagkaroon ng kaalaman sa pagluluto na kanyang nagamit para mabago ang kanyang buhay. “Natulu­ngan ako ng TESDA na magka-roon ng kaalaman sa pagluluto na naging daan upang makaahon sa buhay.”

Comments are closed.