KUMPIYANSA ang Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa tsansa nitong magwagi ng medalya sa nalalapit na Tokyo Olympics sa likod ni pole vaulte Ernest John ‘EJ’ Obiena.
Tiwala si Patafa President Philip Ella Juico sa kampanya ni Obiena na wakasan ang 85-year Olympic medal drought ng bansa sa athletics sa harap ng ipinakita ng 25-year-old Tondo native sa ilang indoor meets sa Europe sa mga nakalipas na linggo.
Sa limang torneo na kanyang sinalihan, si Obiena ay may tatlong podium finishes, kabilang ang pares ng gold medals sa magkahiwalay na torneo sa Germany.
Noong weekend ay nagtala si Obiena ng bagong national indoor record na 5.86 meters sa pagwawagi ng silver sa Orlen Cup na idinaos sa Lodz, Poland.
Sa mga ipinakita ni Obiena ay higit na naging positibo si Juico na ibibigay ng una ang kauna-unahang Olympic medal ng Philippine track and field magmula nang kunin ni Miguel White ang bronze sa men’s 400-meter hurdles sa 1936 Berlin Games.
“Without being over confident, we are very bullish about his chances. The past few weeks had been an indication of where he’s headed for, given the new things that he’s doing together with his coach and therapist. It’s a combination of talent, hard work, and technology, and they’re using this in the right amount and in the right quantity just like a recipe for a good meal,” pagbibigay-diin ng athletics chief sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum kahapon.
“He’s very confident, he’s very upbeat about his chances.”
Si Obiena, anak ni national coach Emerson Obiena at ginagabayan ni Ukrainian Olympic gold medalist Vitaly Petrov, ay muling sasabak sa Copernicus Cup sa Pebrero 17 sa Poland din, at pagkatapos ay sa isa pang event para tapusin ang kanyang indoor campaigns.
Bukod kay Obiena, tatlong iba pang Filipino tracksters ang magtatangkang mag-qualify sa Tokyo Games, sa katauhan nina Eric Cray, Kristina Knott, at Natalie Uy.
Si Cray ay kalalahok lamang sa dalawang torneo sa Alabama noong nakaraang buwan at nakatakdang sumabak sa isang Texas meet, habang si Knott ay kasalukuyang nasa Orlando para sa Feb. 21 track meet sa Arkansas bago pumasok sa two-month bubble sa Austin, Texas.
Inilarawan ni Juico si Uy na maliit ang tsansa na mag-qualify dahil ang lady pole vaulter ay kasalukuyang nagpapagaling mula sa wrist injury.
Ang ikaapat, si William Morrison, ay minabuting hindi lumahok sa anumang qualifying meet at sa halip ay nakatuon sa nalalapit na South-east Asian Games sa Vietnam.
“He’s fixing a personal problem that requires his attention. He officially told us he’ll just concentrate to make it to the SEA Games and attempt to do it in the Paris Olympics in 2024,” sabi pa ng dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).
Comments are closed.