PATULOY NA PAGTUTULUNGAN SA PAGTATAPOS NG TAONG 2020

JOE_S_TAKE

ANG TAONG 2020 na siguro ang taong hindi makakalimutan ng lahat. Ito ang taong paulit-ulit na mababanggit sa kasaysayan, hindi lamang ng bansa kundi pati sa kasaysayan ng mundo. Ang 2020 ang taong tila bumagal ang takbo ng mundo matapos tayong balutin ng pandemya. Para sa Filipinas, ang taong 2020 ay ang taon na naging sunud-sunod ang pagdaan ng kalamidad sa atin – inumpisahan ng pagputok ng bulkan sa umpisa ng taon at matatapos sa pananalanta ng mga bagyong nagdaan nitong huling yugto ng 2020.

Gaya sa mga pinaiiral na set-up sa ibang bansa, maging dito sa Filipinas ay ipinatupad din ang work from home para sa mga empleyado upang makaiwas sa COVID-19.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi tayo nawalan ng pag-asa. Patuloy tayong nananalig na pasasaan ba’t maaaninag din natin ang liwanag na siyang magsisilbing hudyat na tapos na ang kadiliman na ating pinagdadaanan.

Matapos ang siyam na buwan, sa wakas ay malapit nang dumating ang ating pinakahihintay na bakuna. Tiyak na ito ang pinakaaabangan ng mga mamamayan sa susunod na taon. Nawa’y ito na ang simula ng pagtatapos ng pandemyang COVID-19.

Muling naglabas ng mga paalala ang pamahalaan ukol sa patuloy na pagsusuot ng mga face mask at face shield sa mga pampublikong lugar. Nalalapit na ang Kapaskuhan at inaasahang mas dadami pa ang mga taong lalabas ng kani-kanilang mga bahay upang mamili ng mga regalo o magdiwang kasama ang mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay.

Bukod sa balita ng bakuna, isang magandang balita rin ang hatid ng Meralco para sa mga konsyumer sa pagtatapos ng taong 2020. Ibinalita kamakailan ng Meralco ang muling pagbaba ng presyo ng koryente para sa buwan ng Disyembre 2020. Ang paggalaw ng presyo ng koryente ng Meralco ay nakitaan ng tuloy-tuloy na pagbaba ngayong taon. Ang patuloy na pagbaba ng presyo ng koryente ay malaking tulong para sa mga konsyumer ngayong panahon ng pandemya, lalo na para sa mga kabahayan kung saan mayroong naka-online class at work from home.

Samu’t saring pagsubok ang dinala ng taong 2020 sa bansa, partikular na sa industriya ng koryente. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang pakikipagtulungan at pakikiisa ng Meralco sa industriya ng koryente sa layunin nitong matulungan ang pamahalaan na maibalik sa normal ang takbo ang ekonomiya ng bansa.

Makaaasa ang publiko na hindi hihinto ang Meralco sa pakikipagtulungan sa industriya at sa pamahalaan sa pagsiguro na matutugunan ang pangangailangan ng bansa sa koryente, habang isinasaalang-ala ang kapakanan ng mga konsyumer.

Ginagawa ng Meralco ang makakaya nito upang mas mapababa pa ang presyo ng koryente para sa mga customer nito, lalo na ngayong pandemya. Gaya ng anunsiyo ng Meralco kamakailan, umabot na sa P1.3870 kada kilowatthour (kWh) ang bawas-singil na naibigay sa mga konsyumer sa buong taon ng 2020. Ito ay nangangahulugan na may P277 na bawas sa singil sa mga tipikal na customer na kumokonsumo ng 200kWh, mula January 2020. Sa patuloy na pagbaba ng presyo ng koryente ng Meralco, ang presyo sa buwan na ito ay naitalang ikalawa sa pinakamababang singil mula Setyembre 2017.

Sa pangkalahatang aspeto ng serbisyo, hindi lamang nahihinto sa presyo ng koryente at sa pamamahagi ng supply sa mga kabahayan ang Meralco. Bukod sa pandemyang COVID-19 ay dumagsa rin ang kalamidad sa ating bansa nang naging sunod-sunod ang pagpasok ng malalakas na bagyo sa bansa nitong huling yugto ng taon.

Sinikap ng Meralco na maayos agad ang mga pasilidad nitong sinira ng mga bagyo upang maibalik agad ang serbisyo ng koryente sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng mga nasabing bagyo. Kasabay nito ay ang pagtulong din ng Meralco sa mga iba pang electric cooperative sa labas ng prangkisa nito na nasalanta rin ng bagyo.

Isang patunay rito ay ang pakikibahagi ng Meralco at ng sangay nitong nangangasiwa sa pagtulong sa komunidad, ang One Meralco Foundation (OMF), sa Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid 2020. Kaisa at kasama nila ang buong industriya ng koryente sa pagsasaayos ng mga pasilidad na nasira ng bagyong Rolly.

Kasama rin sa mga tulong na inihahandog ng OMF at ng MVP Group of Companies ang paghahatid ng diwa ng Pasko sa mga lugar na lubos na nasalanta ng mga bagyong nagdaan nitong huling yugto ng taon. Nagpamahagi ang MVP Group of Companies ng Noche Buena package sa higit sa 200 na mangingisda  na nawalan ng hanapbuhay dahil sa bagyong Quinta. Higit sa 200 na mga relief package naman ang ipinamahagi sa mga empleyado ng mga resort na pansamantalang naghinto ng kanilang operasyon dahil sa mga kalamidad.

Bilang bahagi sa inilunsad ng MVP Group na Tuloy Pa Rin Ang Pasko Movement, nakipagtulungan ang OMF sa Thomasian Alumni Leaders Association upang makapagpamahagi ng mga Noche Buena package sa 200 na jeepney driver at 50 na tricycle driver na bumabiyahe sa kahabaan ng Dapitan at University Belt.

Ang mga tinulungan ng MVP Group of Companies at ng OMF ay ang mga lubos na naapeketuhan ng pandemya. Sa pamamagitan ng mga programang naglalayon na tumulong sa mga komunidad, hindi lamang ang paghahatid ng diwa ng Pasko ang layunin ng mga nasabing kompanya kundi ang maipadama ang diwa ng pagiging Makabayan sa panahon ng krisis at kalamidad.

Makaaasa ang mga konsyumer na ang Meralco, kasama ang buong industriya ng koryente sa bansa at ang pribadong sektor,ay magpapatuloy sa pagtulong upang maibsan ang epekto ng pandemya sa buhay ng mga konsyumer. Magpapatuloy ang Meralco sa paghahatid ng liwanag sa inyong kabahayan at sa inyong buhay.

Comments are closed.