PAY HIKE SA GOV’T WORKERS PIPIRMAHAN NA NI DUTERTE

DBM

NAKAHANDA na para pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enrolled bill na nagpapatupad sa ika-5 round ng dagdag-sahod para sa mga empleyado ng pamahalaan, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

“The enrolled bill on the proposed Salary Standardization Law (SSL) 5 has already been submitted to the Office of the President for evaluation and approval,” wika ni DBM director Gerald Janda.

“We will coordinate with the Office of the President. But rest assured that enrolled copy of the SSL 5 is already with the Office of the President for approval and signature,” aniya.

Ang panukalang SSL-5 ay inaprubahan ng ­Kongreso noong Disyembre ng nakaraang taon makaraang sertipikahan ito ng Pangulo bilang ‘urgent’.

Sa ilalim ng SSL-5, ang salary adjustment ay ipatutupad sa apat na bugso mula 2020 hangang 2023.

May 1.4 milyong ­manggagawa sa pamahalaan, kabilang ang public teachers at nurses, ang inaasahang mabebene-pisyuhan ng panukalang pay hike.

Ang pinakamalaking pagtaas, mula 20 hanggang 30 percent ng weighted average na 23.24 percent kada taon hanggang 2023, ay ipatutupad sa mga empleyado na nabibilang sa Salary Grades 10-15 brackets.

Ang government employees na may Salary Grades 1-10 ay tatanggap ng dagdag-sahod na 17.5 percent hanggang 20.5 percent sa loob ng apat na taon.

Samantala, ang mga nasa ilalim ng Salary Grades 25-33 ang tatanggap ng pinaka-maliit na pagtaas na 8 percent lamang.

May kabuuang P130.45 billion ang inilaan para sa pagpapatupad ng SSL-5.

Ayon kay Janda, sa sandaling lagdaan bilang batas, matatanggap ng government workers ang pay hikes simula Enero 1 ngayong taon.

‘When signed into law, the first tranche of the increase in the salary of government workers will take effect starting January 1, 2020 and we have already provided in the 2020 GAA certain amount for the implementation of this under the Miscellaneous Personnel Benefits Fund,” aniya.   PNA

Comments are closed.