PINALAKAS ng kanilang panalo sa Leg 6, kinuha ng TNT ang No. 2 seeding sa likod ng top-ranked Cavitex sa puwestuhan para sa PBA 3×3 Season 3 First Conference Grand Finals na nakatakda sa Linggo sa Market Market.
Nakopo ng Triple Giga ang ikalawang leg crown ng season-opener kontra Braves, 21-17, upang makolekta ang 100 tour points at makalikom ng 390 at patalsikin ang Barangay Ginebra sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng elims.
Sa kabila na kinapos sa three-peat, kinuha ng Leg 4 at 5-winning Braves ang top seeding na may kabuuang 490 points.
Tumapos ang Gin Kings, sinimulan ang season na may back-to-back leg victories, sa third matapos ang six-leg preliminaries na may 378 points.
Kinumpleto ng Meralco, sa likod ng fourth place finish sa Leg 6, ang “Magic 4” na may 345 points.
Bilang insentibo sa pagtatapos sa Top 4, ang Cavitex, TnT, Ginebra at Meralco ay awtomatikong umusad sa quarterfinal round.
Ang anim na iba pang koponan na nag-qualify sa Grand Finals ay dadaan sa pool action para paglabanan ang nalalabing Last 8 berths.
Kinuha ng San Miguel Beer, na ranked fifth na may 298; Wilcon Depot, sixth, 281; Pioneer Elastoseal, seventh na may 276; Blackwater Smooth Razor, eighth na may 208; NorthPort, ninth na may 188; at Terrafima, 10th na may 176, ang iba pang puwesto sa ultimate showdown.
Naungusan ng Dyip ang Purefoods (174) ng dalawang puntos lamang para sa cutoff position.
-CLYDE MARIANO