PBA 3X3 SECOND CONFERENCE GRAND FINALS TAMPOK SA PSA FORUM

psa

MAGIGING tampok ang PBA 3×3 Second Conference grand finals sa huling session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum para sa taon ngayong Martes (Dec. 13) sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex ground floor.

Tatalakayin ni tournament director Joey Guanio ang second conference grand finale ng Season 2 kung saan magbabakbakan ang top 10 best teams matapos ang six-leg tournament sa Sabado (Dec. 17) sa Robinsons Town Hall Malabon.

Ang kampeon ay tatanggap ng top prize na nagkakahalaga ng P750,000.

Magsisimula ang session sa alas-10 ng umaga.

Inimbitahan din ang NCAA men’s basketball finals protagonists defending two-time champion Letran at College of St. Benilde sa weekly sports program na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Naipuwersa ng Blazers ang deciding Game 3 na nakatakda sa Dec. 18 sa Ynares Center sa Antipolo makaraang maitakas ang 76-71 panalo kontra Knights noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Hinihikayat ni PSA president Rey Lachica, sports editor ng Tempo, ang mga miyembro at opisyal na dumalo sa huling session ngayong taon ng weekly Forum, na magbabalik sa January ng 2023.

Ang weekly session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.