PBA D-LEAGUE: ATENEO INILAMPASO ANG AMA

PBA D-LEAGUE-ATENEO

TINAMBAKAN ng Cignal-Ateneo ang AMA Online Education, 111-81, sa 2019 PBA D-League  kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagbuhos si Ange Kouame ng 22 points, 15 rebounds, at 4 blocks sa kanyang pagbabalik sa Ateneo matapos ang one-game absence. Nagdagdag si Thirdy Ravena ng 14 points, 8 assists, at 4 rebounds bago inilabas sa buong fourth quarter.

Nanguna si BJ Andrade para sa Blue Eagles na may 21 points, kabilang ang anim na 3-pointers. Tumipa si William Navarro ng 14 points, 9 rebounds at 5 as-sists, at nagtala si Mike Nieto ng double-double na may 10 points at 12 rebounds.

Maagang kinuha ng Cignal-­Ateneo ang kalamangan kung saan si­nimulan nila ang laro na may siyam na unanswered points  bago naitarak ang 27-9 bentahe sa opening frame.

Sa panalo ay nakabawi ang reigning UAAP champions mula sa 98-112 pagkatalo sa University of Santo Tomas noong nakaraang linggo.

Umangat ang Blue Eagles sa 3-1 sa Aspirants Group habang ipinalasap sa Titans ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan upang bumagsak sa 1-3.

Nanguna si Joshua Munzon para sa AMA na may 41 points, 9 rebounds, at 2 assists, habang nag­dagdag si Franky Johnson ng 22 points at 7 boards.

Iskor:

CIGNAL-ATENEO (111) – Kouame 22, Andrade 21, Ravena 14, Navarro 14, Mi. Nieto 10, Wong 9, Ma. Nieto 6, Go 6, Credo 6, Tio 3.

AMA (81) – Munzon 41, Johnson 22, Parcero 5, Liwag 4, Rike 3, Alina 2, Garcia 2, Estibar 2, Asuncion 0, Yu 0, Gonzaga 0, Catequista 0.

QS: 32-14, 57-36, 85-59, 111-81.

Comments are closed.