PBA D-LEAGUE: DILIMAN COLLEGE PINAGLARUAN ANG TRINITY

PBA D LEAGUE

IMPRESIBONG naitala ng Diliman College-Gerry’s Grill ang unang panalo nito sa 2019 PBA D-League nang tambakan ang The Masterpiece Clothing-Trinity University of Asia, 88-51,  kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Nagbida si Kevin Gandjeto para sa Blue Dragons sa kinamadang 21 points, 17 ay nagmula sa first half, 11 rebounds at 2 blocks.

Mainit ang simula ng Diliman-Gerry’s sa pagtarak ng 16-4 bentahe, at napalobo ito sa  45-21 sa huling bahagi ng second quar-ter.

“For the past week and a half, we just concentrated on our execution, on defense and offense. Pinoint out ko lang ‘yung disci-pline namin through our execution,” wika ni coach Rensy Bajar.

Nag-ambag si Joseph Brutas ng 12 points at 4 boards, kumana si Paolo Balagtas ng double-double na 12 points at 11 rebounds, at nagbuhos si Jeramer Cabanag ng 11 points, 6 boards, at 4 assists sa 37-point blowout victory.

Umangat ang Diliman-Gerry’s sa 1-1 kartada sa Foundation Group,  habang nanatiling walang panalo ang The Masterpiece-Trinity sa dalawang asignatura.

Nanguna si Michael Canete para sa White Stallions na may 15 points at 9 rebounds.

Iskor:

DILIMAN-GERRY’S (88) – Gandjeto 21, Brutas 12, Balagtas 12, Cabanag 11, Torrado 8, Mahari 5, Bonsubre 4, Darang 4, Coquia 3, Bauzon 2, Salazar 2, Brill 2.

THE MASTERPIECE-TRINITY (51) – Canete 15, Balucanag 9, Montero 7, Villoria 6, Biteng 3, Dela Cruz 3, Matias 3, Reyes 2, Albarico 2, Abanes 1.

QS: 29-11, 47-25, 73-43, 88-51.

 

 

Comments are closed.