PBA MAKIKIPAGPULONG SA MALAKANYANG

Willie Marcial

NAKATAKDANG makipagpulong ang PBA sa mga opisyal ng pamahalaan ngayon sa Malacanang para sa posibleng pagbubukas ng 46th season ng liga.

Si PBA Commissioner Willie Marcial ay sasamahan ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua sa pagbisita sa Palasyo upang makipag-usap kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.

Umaasa si Marcial na magkaroon ng mas malinaw na direksiyon ang season matapos ang pakikipagpulong sa top two government executives.

“Siguro after naming mag-usap sa Malacanang, after one or two days may kaunting liwanag na kung saan ang direksiyon natin,” wika ni Marcial sa kanyang pagbisita sa  weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum kahapon.

Bibigyang-diin ni Marcial sa miting kung paano matagumpay na naidaos ng Asia’s pioneering pro league ang bubble season noong nakaraang taon sa Clark sa pagpapatuloy ng Philippine Cup.

“Ipapakita namin at ie-explain namin na successful ang bubble, nagawa natin. And walang bulilyaso na nangyari (sa bubble), so sana ma-reward tayo sa ginawa natin,” dagdag ni Marcial.

Bjnigyang-diin niya ang pagbakuna sa lahat ng players, coaches, at staff bago ang pagsisimula ng season.

Aniya, kabilang ang Ilocos Norte at Antipolo sa mga kinokonsiderang bubble venue, kasama ang isa pang local government unit na hindi muna niya pinangalanan.

Kung papayagan ng Inter-Agency Task Force, ang liga ay magpapatupad ng mas mahigpit na protocols.

“Sigurado mahigpit ang protocols natin lalo na kung wala pa tayong vaccines,” ani Marcial, at idinagdag na ang mga bakuna na binili ng liga sa pakikipagpartner sa Philippine Red Cross ay darating sa Mayo o Hunyo tamang-tama sa pagbubukas ng season. CLYDE MARIANO

8 thoughts on “PBA MAKIKIPAGPULONG SA MALAKANYANG”

  1. 919467 516119I dont think Ive seen all of the angles of this topic the way youve pointed them out. Youre a true star, a rock star man. Youve got so considerably to say and know so significantly about the topic that I feel you should just teach a class about it 540943

  2. 354254 787991Most suitable boyfriend speeches, or else toasts. are almost always transported eventually through the entire wedding party and are nonetheless required to be really interesting, amusing and even enlightening together. very best mans speech 367494

Comments are closed.