PBA PLAYERS PATOK SA JAPAN B-LEAGUE

on the spot- pilipino mirror

MATINDI  pala ang Japan Basketball League, mayroon silang 48 teams. Gagawin nila itong dalawang division, ang first division ay may 20 teams then 2nd ay 16 teams. Gagawin nila itong East at West. Kung sino ang papasok sa finals ng East at West ay iyon ang maghaharap sa championship. Kung  dati ay 3 conference ang B- League,  ngayon ay gagawin na lamang itong 2 conference.  Ang 2020 season nila ay posibleng buksan sa Oktubre. Target nila ang 40 games per season. Best-of-three ang kanilang championship games na ginagawa sa Neutral Arena.

o0o

Naalarma naman si PBA Commissioner Willie Marcial na panay ang recruit ng Japan B-League sa mga player ng liga. Pagkatapos ni Thirdy Ravena ay in-offeran ng ilang teams si Calvin Abueva  sa B-League. Then sinunod nilang pina-pirate sina Terrence Romeo at Raymund Almazan. Siyempre ay hindi puwede dahil may kontrata pa sina Romeo at Almazan sa kani-kanilang mother team. Pati nga si Greg Slaughter ay may kuma­kausap na rin. Nakita ng ilang teams sa B-League ang videos ni Slaughter kung gaano kalaki na ang development ng 7 footet sa  pagti-training nito sa Amerika. Sakaling ‘di maayos ang paglalaro ni Gregzila sa PBA ay posibleng tanggapin nito ang B-League. Pero tulad ng sinasabi ni Slaughter sa kanyang Tweeter account ay priority pa rin niya ang maglaro sa Gilas.

o0o

Nagtatanong ang liga ng MPBL, PVL at Superliga, at SBP kung bakit hindi sila isinama sa JAO. Tanging ang PBA at football association ang pinayagan  ng IATF. Ang tanong ni GAB  chairman Baham Mitra, kung sanctioned ba sila ng GAB, nagsumite ba ang  nabanggit na mga liga ng request. Ang naturang mga liga ay pawang hindi nagbigay ng request sa kampo ng GAB at hindi madedepensahan ng GAB ang MPBL, PVL, Superliga at SBP dahil hindi sila sakop ng ahensiya.

Nakatakda ang pagpupulong ng GAB at IATF ngayon, kasama ang ibat ibang sports organizations  tulad ng MPBL, PVL, Superliga, at collegiate leagues UAAP at NCAA.

Samantala, nagpapasalamat tayo at unti-unti nang pinapayagan ang mga dati ay bawal.

“‘Yung talagang rules before ay ‘no vaccine, no sports’, kaya bantayan natin ito at agad na ireport ‘yung mga abusado para naman hindi maapektuhan ang buong organisasyon,” sambit ni Mitra, patungkol sa sabong na tila nahihirapan sa planong makabalik bunsod ng serye ng mga ilegal na tupada na nagaganap sa bansa.

“Actually, ‘yung walong gaffers (mana­nari) na kabilang sa 49 nahuli sa ilegal na tupad sa Batangas recently ay binawian na namin ng lisensiya. Kaunting tiis po sa ating mga kaibigan sa sabong para naman hindi maapektuhan ang buong industriya,” sabi pa niya.

Inaasahang mas maraming sports organization ang papayagan na rin dahil sa mas pinalawak na Joint Administrative Order (JAO) na isi­numite ng GAB-PSAC at DOH sa IATF Technical Working Group.

Comments are closed.