PCA PALALAKASIN ANG PAGBEBENTA NG NIYOG SA INT’L MARKET

philippine coconut authority

SISIKAPIN umano ng Philippine Coconut Authority (PCA) na palakasin ang presentasyon at pagbebenta ng mga produkto mula sa niyog sa international market.

Sa isang panayam, sinabi ni PCA-Bicol senior agriculturist Ed Bailon na kahit de kalidad pa ang mga niyog ng Filipinas, pinipili pa rin daw ng suppliers ang soya bean at palm oil dahil sa usapin ng presyo.

Batay sa pag-aaral ng tanggapan, nagkaroon ng kakulangan sa demand na nagdulot naman ng pagsadsad sa pres­yo ng niyog sa rehiyon.

Sa Region 5, nasa P23 hanggang  P25 ang presyo kada kilo ng copra, habang nasa P4 naman ang niyog sa buong merkado.

Ayon kay Bailon, mas doble ang ibinaba ng presyo ng niyog kompara noong nakaraang taon na P45.90 kada kilo.

Umaasa ang opisyal na tataas pa ang demand ng niyog at copra ngayong “peak season” ng Agosto, habang sa Nobyembre at Disyembre naman sa pandaigdigang merkado.

Comments are closed.