NAKAALERTO na ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng pananalasa ng Bagyong Pepito sa bansa.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, ipinag-utos na ni Commandant George Ursabia na tutukan ang pagresponde sa panahon ng mga bagyo at kalamidad sa kabila ng maraming trabaho kinakaharap ngayong pandemya.
Partikular na tinukoy ni Balilo, ang mga PCG personnel na hindi lamang mga frontliners kundi nakabantay pa bilang mga tanod-baybayin.
Paliwanag ni Balilo, bagaman hindi naman nagbago ang regulasyon tuwing may bagyo ngunit nadagdagan lamang ang pangangailangan na masunod din ang safety at health protocols.
Sa kasalukuyan, minomonitor na ng PCG kung may mga stranded sa mga pantalan partikular sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Pepito.
Sa ngayon ay wala pa namang naitatala ang PCG Command Center na mga stranded na mga pasahero o mga sasakyang pandagat. PAUL ROLDAN
Comments are closed.