Lumagda si Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairperson at CEO, Undersecretary Elpidio R. Jordan Jr., sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagbuo ng Local Inter-Agency Committee (LIAC) para sa Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRIMP) noong Hulyo 29, 2024, sa PCUP Central Office.
Ang LIAC ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa DPWH, PCUP, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Department of the Interior and Local Government (DILG), National Housing Authority (NHA), Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, at mga Pamahalaang Lungsod ng General Trias at Imus, pati na rin ang mga Pamahalaang Bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario. Ang komiteng ito ang mamamahala sa pagpapatupad ng proyekto, kabilang ang right-of-way acquisition (ROWA) at ang relocation at resettlement ng mga apektadong residente.
Bukod dito, ang iba pang mga national agency at non-government organization ay inimbitahan ding lumahok, upang masiguro ang isang komprehensibong pamamaraan sa pagpapatupad ng proyekto.
Ang MOA ay naglalahad ng mga tungkulin at responsibilidad ng bawat ahensya, na tinitiyak ang isang coordinated approach sa pagtugon sa mga hamon na dulot ng proyekto. Binibigyang-diin din nito ang kahalagahan ng mga social safeguard at ang proteksyon ng mga karapatan ng mga project-affected persons (PAPs).
Ang lugar ng proyekto ay nasa San Juan River Basin at ang kalapit na Maalimango Drainage Area sa silangang bahagi ng Lalawigan ng Cavite. Kabilang dito ang mga lungsod ng Imus at General Trias, pati na rin ang mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.
“We are committed to ensuring that the affected urban poor in the areas are provided with social justice. This means actively advocating for their rights, addressing inequalities, and implementing policies and programs that uplift their socio-economic status,” sabi ni Usec. Jordan.
“By working collaboratively with various stakeholders, we strive to create an inclusive environment where the voices of the urban poor are heard, and their needs are met with fairness and compassion,” dagdag niya.
Ang CIA-FRIMP ay naglalayong mabawasan ang panganib ng pagbaha sa mga itinakdang lugar sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga impraestruktura laban sa baha at magsusulong ng sustainable at stable economic growth sa lokalidad.