NAGBUHOS si Anthony Davis ng 46 points at kumalawit ng 13 rebounds upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 123-113 panalo laban sa bumibisitang New Orleans Pelicans noong Biyernes ng gabi.
Naipasok ni Davis, umiskor ng 41 points sa panalo ng Lakers kontra Pelicans sa kanilang unang paghaharap noong November 27 ang 15 of 21 shots at naisalpak ang lahat ng 13 free throws para sa ika-4 na sunod na panalo ng Lakers.
Naitala ni Danny Green, kumana ng 6 of 10 3-pointers sa laro, ang 20 sa kanyang 25 points sa first half, at tumapos si LeBron James na may f17 points, 15 assists at 8 rebounds para sa Los Angeles.
Gumawa si Lonzo Ball ng 23 points at nakalikom si Brandon Ingram ng 22 para sa Pelicans, na naputol ang four-game winning streak.
Nagdagdag sina E’Twaun Moore ng 16 points, Derrick Favors ng 15 points, 14 rebounds at 4 blocks, at JJ Redick ng 14 points para sa New Orleans.
ROCKETS 118, 76ERS 108
Kumamada si James Harden ng 40-point triple-double at namayani si Clint Capela sa matchup ng talented bigs nang gapiin ng the Houston Rockets ang Philadelphia 76ers.
Tumipa si Harden ng 44 points, 11 rebounds at 11 assists, habang nagdagdag si Capela ng 30 points at 14 rebounds upang daigin si 76ers center Joel Embiid (20 points, 12 boards) at tumulong na ipalasap sa Philadelphia ang ika-4 na sunod na kabiguan nito magmula namg pataubin ang Eastern Conference-leading Milwaukee Bucks noong Pasko.
Sa iba pang laro ay ginapi ng Phoenix Suns ang New York Knicks, 120-112.
Comments are closed.