MALAPIT nang mapanood ang pelikula ni Solenn Heussaff kung saan ay may eksena siyang topless. Pinatotohanan ito ng actor na si Benjamin Alves na nagtsikang may eksena silang dalawa na naka-topless si Solenn.
Sobrang daring nga raw ang naturang movie, ayon na rin mismo kay Benjamin. Pero sobrang ingat nga raw ang kanilang director kapag kinukunan na ang topless scene ng sexy actress. Limitado lang daw ang staff sa shooting at pagkatapos ng eksena ay may nakahanda nang pantakip sa hubad na katawan ni Solenn.
Knowing Solenn, very vocal na madali raw siyang kausapin. Basta kailangan sa eksena ay gagawin niya na walang pagtutol. Kaya naman walang kaproblema-problema ang nagiging director niya kapag may mga delikadong eksena na ipagagawa sa kanya.
Hindi lang namin matiyak kung ito rin ang pelikula ang naikuwento sa amin ni Direk Arman na tumulong mag-edit ng movie ni Solenn. Isang manananggal ang role ni Solenn at marami nga raw eksena na hubad ang sexy actress.
Tanong pa ng fans ni Solenn ay kung mapapanood raw ba ang topless scene ng actress o baka raw katayin ito ng MTRCB.
Kaabang-abang ang movie kung hindi mapuputol ang topless scene ni Solenn.
FOLLOWERS NI HEART NAAWA SA RAMI NG PASA AT SUGAT SA KATAWAN
NAKADAMA ng awa ang millions of followers ni Heart Evangelista nang i-post nito ang kamay na puro pasa at sugat sa kanyang Instagram stories.
Ginagawa kasi ni Heart ang isang action movie sa China at dahil karamihan ng kanyang mga eksena ay puro action scenes kaya hindi naiwasan na masugatan ang kanyang porselanang mga kamay.
Nasanay na kasi ang netizen na makita kamay ng actress na well-manicured na may makulay na nails kapag nagpo-post ito sa IG. Pero sa pagkakataon na ito ay black and blue ang kanyang mga kamay at duguan pa ang ibang daliri.
Sa isang IG post ni Heart: “How I spend my mornings before all the madness on set.” Napansin pa ng netizen ang bandage sa kamay ng actress.
“First time to be this violent…di ko bet. Hindi maganda sa pictures,” caption pa ni Heart.
MATTEO GUIDICELLI TULOY NA SA ARMY TRAINING
NAGULAT ang mga tagahanga at followers sa Instagram ni Matteo Guidicelli nang makita nila ang larawan ng actor na kalbo ang ulo na obviously ay parte ng kanyang pagpasok sa army training.
“Rangers lead the way. No backing down,” caption ni Matteo. Sa location ng actor ay makikita ang First Scout Ranger Regiment, Camp Tecson, San Miguel Bulacan.
Ipinost din Matteo ang larawan na hindi pa siya kalbo habang nakapila kasama ang iba pang trainess.
“This is it! I`m about to undergo a 30-day scout ranger training, officially starting NOW! It`s said to be one of the most gruel-lin programs in the Armed Forces,” ang caption pa ni Matteo.
Sa comment section ay marami ang nagkomento na bagay sa actor at guwapo pa rin ito kahit kalbo. Marami rin ang sumaludo at nag-wish for his safe return.
Ilan sa mga humanga ay sina John Estrada, Joseph Marco, Nico Bolzico,Erik Santos, Rowell Santiago, Iza Calzado, Dra Viki Belo, Dyan Castillejo atbp.
Comments are closed.