ANG PILIPINAS ang second most attractive developing economy para sa renewable energy investment, ayon sa 2024 Climatescope report ng BloombergNEF (BNEF).
Sinusuri ng Climatescope ang clean energy progress at market attractiveness sa 110 developing countries gamit ang 100 indicators.
Ang mga bansang ito ang bumubuo sa halos two-thirds ng global clean energy output at 82 percent ng populasyon ng buong mundo.
Ang latest ranking ng bansa ay tumaas mula sa fourth place noong 2023.
Ayon sa report ng BNEF, ang Pilipinas ay may power score na 2.65, nahigitan ang Asia-Pacific regional average na 1.94.
Sa isang statement nitong Lunes, sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang pagtaas sa ranking “reflects the growing confidence of the global community in our country’s commitment to clean energy transition and sustainable growth.”
“This achievement underscores the effectiveness of the Philippines’ comprehensive renewable energy policies, which include auctions, net metering schemes, tax incentives, and an aggressive clean energy target of 35% renewable energy in the power mix by 2030,” ayon sa DOE.
“As the only emerging market in the Asia-Pacific region with all these mechanisms in place, we are paving the way for a more sustainable energy future, not only for our nation but as a model for the region,” dagdag pa nito.
Gayunman, sinabi ng DOE na may pangangailangan na pabilisin pa ang renewable energy development upang matugunan ang mga pangangailangan ng bansa.
“Significantly, while most of the renewable energy investment is domestic, we look forward to realizing the potential of increased foreign participation through recent reforms that allow 100 percent foreign equity in renewable energy projects,” ayon sa ahensiya.
Sinabi ng DOE na nakahanda ang administrasyon ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang renewable energy development at lumikha ng kaaya-ayang kapaligiran kapwa para sa local at international investors.
Dagdag pa nito, ipagpapatuloy ng pamahalaan ang paggamit sa potensiyal ng natural resources ng bansa.
“This recognition inspires the DOE to further intensify its efforts in achieving our renewable energy goals, ensuring that our nation remains a global beacon of progress in the energy transition,” ayon sa DOE.
ULAT MULA SA PNA