Target simulan ng Pilipinas at Denmark ang paghahanap ng bagong fishing ground para sa mga Pilipino sa Benham Rise at sa Palawan sa West Philippine Sea.
Ang year-long research ay magsisimula sa 2025.
“We are working on a project to identify new fishing grounds for our fisheries sa Benham Rise also sa Palawan sa West Philippine Sea kung saan tayo nakakatap ng additional resources,” pahayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Tuturuan din ng Danish experts ang mga Pilipino kung paano manghuli ng isda sa 300 hanggang 400 feet below sea level kung saan maraming isda na maaaring mahuli.
Aniya, parte ng P200 million na proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng isang grant mula sa Denmark subalit kailangan ng Pilipinas na i-shoulder ang refitting ng isa sa vessels nito.
Sa katunayan mayroon nang basic agreement subalit kailangan itong i-renew dahil matagal na ang naturang kasunduan.
Sinabi ni Danish Ambassador to the Philippines Franz-Michael Mellbin, ang naturang research project ay isa sa paraan ng Denmark para kilalanin ang mga karapatan ng mga Pilipinong mangisda sa katubigan ng ating bansa.
Ang isang bahagi ng P200-milyong proyekto ay tutustusan sa pamamagitan ng isang grant mula sa Denmark, ngunit kailangang balikatin ng Pilipinas ang pagsasaayos ng isa sa mga sasakyang-dagat nito.
“Mayroon nang basic agreement. We just have to renew it again,” anang kalihim.
LUISA GARCIA