PH BIGO SA AGRI PRODUCTION TARGET SA 2021

William Dar

BAHAGYANG lumago ang agricultural output ng Pilipinas sa huling quarter ng 2021, subalit hindi ito sapat para matamo ang 2% full-year target ng Department of Agriculture (DA).

Sa datos ng DA, ang value of production sa agrikultura ay lumago ng 0.6% sa fourth quarter, ang unang quarter ng paglago para sa taon. Ang poultry ay nakapagtala ng 2.7% growth; crops ng 2.6%; at fisheries,  1.4%, habang ang livestock ay bumaba ng 9.7%.

“Poultry growth was driven by chicken eggs which grew 12.7%, while chicken, duck, and duck egg production fell to negative territory,” ayon sa datos.

“Crops were mainly driven by the growth in corn up 28.6%, followed by cacao up 11.4%, coconut up 3.6%, tobacco up 3.4%, and eggplant up 3.0%. Declines were seen in the output of onion, abaca, potato, cabbage, coffee, tomato, banana, and mango.”

Pagdating sa fisheries, ang pinakamalaking pagtaas ay naitala sa output ng blue crab (alimasag), tiger prawn (sugpo), mudcrab (alimango), threadfin bream (bisugo) at grouper (lapu-lapu).

Ang pagbaba sa livestock production ay dahil sa pagbagsak sa hog production (12.6%), habang naitala ang pagtaas sa cattle, carabao, goat, at dairy production.

Ang fourth-quarter growth ay tumaas mula sa -2.6% sa third quarter, at sa -3.8% na naitala sa kaparehong quarter ng naunang taon.

Ang halaga ng produksiyon para sa  quarter ay nasa P560.39 billion, tumaas ng 0.6% mula sa naunang taon.

Ang latest figures ay naghatid sa  full-year agricultural output sa  -1.7%, mas mababa kumpara sa  -1.2% sa naunang taon at malayo sa 2% growth na target ng DA.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang pagbaba ay dulot ng mga pinsalang natamo sa pananalanta ng bagyong Odette noong Disyembre, na nag-iwan ng P13.8-billion na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikuktura.