OPISYAL nang kinilala ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Esports Organization (PESO) bilang National Sports Association na mangangalaga at magsusulong ng esports sa bansa.
Ang PESO na inilunsad nitong Agosto ay suportado ng Smart Communications, Inc. at binubuo ng pinakamalalaki at pinagkakatiwalaang kompanya sa ilalim ng Esports National Association of the Philippines (ESNAP) at ng Philippine Southeast Asian Games Esports Union (PSEU). Kabilang dito ang Bren Esports, Gariath Concepts, Mineski Philippines, The Nationals, PlayBook Esports, Tier One Entertainment, TV5, at TNC Holdings.
Ayon kay Jane J. Basas, Smart SVP and Head of Consumer Wireless Business, bilang nag-iisang fully integrated and digital service provider sa bansa, ang Smart ay nagagalak na maging kabahagi sa pagpapalawig ng industriya ng esports sa Filipinas.
Naniniwala si PESO President Brian Lim na sa tulong ng POC at Smart ay mapapalakas ng PESO ang posisyon nito bilang tagapangasiwa ng Philippine esports ‘di lamang sa local scene kundi pati sa global arena.
Sa pahayag ni POC Chairman Stephen Hontiveros, sinabi nito na lubos ang tiwala niya sa PESO at pormal itong binati sa pagiging associate member ng POC.
Matagal nang taga-suporta ang Smart ng esports sa bansa. Bukos sa pag-host ng Mobile Legends tournaments, ang Smart din ang nasa likod ng kauna-uanahang 5G-powered gaming hub na inilunsad noong Hulyo.
Sinuportahan din nito ang Philippine team sa Pacific Pro Am NBA 2K20 Tournament, pati rin ang lahat ng manlalarong Filipono na nakilahok sa esports noong 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa bansa. CLYDE MARIANO
Comments are closed.