PINANATILI ng Asian Development Bank (ADB) ang growth forecasts nito para sa Pilipinas ngayong taon at sa 2024.
Sa July 2023 edition ng flagship publication nito na Asian Development Outlook (ADO), sinabi ng Manila-based multilateral lender na, “GDP (gross domestic product) forecasts are maintained at 6.0% in 2023 and 6.2% in 2024.”
Kapareho ito ng naging projection ng ADB para sa economic growth rate ng bansa sa April 2023 edition ng ADO.
Ang outlook ng ADB ay pasok sa GDP growth projection ng mga economic manager na 6% hanggang 7% para sa taon.
“Robust investment and private consumption drove growth by 6.4% year-on-year in first quarter 2023, supported by rising employment, expanding production and retail sales, and brisk private and public construction,” sabi pa ng multilateral lender. Ang ekonomiya ng bansa ay lumago ng 6.4% sa unang tatlong buwan ng 2023.
Noong Abril ay tinukoy ng ADB ang recovery sa employment at retail trade, sustained expansion sa manufacturing sector, at ang tumataas na public infrastructure spending bilang mga salik sa pagsuporta sa paglago ng ekonomiya ng bansa.