PH GYMNASTS HUMATAW (Wagi ng 3 pang ginto)

PHNOM PENH. — Pinangunahan ni twotime world champion Carlos Yulo ang Pilipinas sa pagkopo ng tatlo pang gold medals sa artistic gymnastics sa 32nd Southeast Asian Games nitong Martes sa Nation- al Olympic Stadium dito.

Bumawi si Yulo sa kanyang silver medal finish sa rings sa pagdomina sa parallel bars na may iskor na 14.850, ginapi
sina Vietnamese Phuong Thanh Dinh (14.400) at Malaysian Ng Chun Chen (13.100), upang maging unang Filipino double gold medalist sa games dito.

Nagwagi siya ng gold sa men’s individual allaround noong Lunes. Inamin ni Yulo na nachallenge siya sa maagang panalo ng kanyang teammates sa iba pang apparatus.

“When Ivan (Cruz) and Miguel (Besana) won gold medals, I really tried hard to win a gold so we can take home three,” sabi ni Yulo, umiskor ng 14.000 sa rings.

Namayani si Cruz, ang second cousin ni Yulo, sa floor exercise na may13.850 points habang dinomina ni Besana ang vault na may 14.425 points.

Tinapos ng national artistic gymnastics team ang kanilang kampanya na 4 gold at 2 silver medals — ang isa pang silver ay nagmula sa men’s team event noong Lunes.

Samantala, nasikwat ni Janry Ubas ang kanyang unang gold sa biennial meet makaraang pagharian ang men’s long jump event.

Na-clear ni Ubas ang 7.85-meter mark.

-CLYDE MARIANO