PINANGUNAHAN ni boxer Ian Clark Bautista ang sixgold haul ng Team Philippines sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia kahapon.
Nakopo ni Bautista ang kanyang ikatlong gold medal sa biennial meet makaraang domina- hin si Indonesian foe Asri Udin, 5-0, sa Chroy Changvar Center Hall G.
Sumandal si heavy-handed Bautista sa kanyang counter punching upang ma-offset ang highly tactical game ni Udin sa men’s featherweight final.
Nagwagi naman ang Fili- pino jins ng apat na golds, sa pangunguna nina Kurt Barbosa at Arven Alcantara na namayani sa men’s -54kg at -68kg kyorugi events.
Ginapi ni Barbosa si Thailand’s Ramnarong Saweekwiharee, habang ibinasura ni Alcantara ang isa pang Thai foe, sa katauhan ni Chaichon Cho.
Sumipa rin ng ginto si taekwondo veteran Samuel Morrison nang dominahin si Indonesian Nicholas Armanto sa men’s 87kg final.
Si Morrison ay isa na ngayong four-time SEA Games gold medalist.
Nagbigay rin si Kirste Elaine Alora ng gold makaraang talunin si Vietnam’s Thi Huong Nguyen sa women’s 73kg.
Ito ang ikatlong SEA Games gold medal ni Alora, ngunit una niya magmula noong 2013 edition ng event na idinaos sa Myanmar.
Hinataw namannina tennis players Ruben Gonzales at Francis Alcantara ang ginto sa men’s doubles makaraang pataubin ang kanilang Indonesian rivals, 2-6, 7-5, 10-5.
Samantala, bumagsak ang Philippine women’s volleyball team sa bakbakan para sa bronze makaraang yumuko sa defending champion Thailand sa semifinals.
Naitarak ng powerhouse Thailand ang 25-22, 25-9, 25-12 panalo kontra Pilipinas upang kunin ang isang Finals ticket.
-CLYDE MARIANO