ISA ang Pilipinas sa host countries para sa FIVB Volleyball Nations League sa Hunyo 2022, ayon sa Philippine National Volleyball Federation.
Sa pahayag ng FIVB VNL, iho-host ng bansa ang mga laro para sa Week 2 ng preliminary rounds kapwa ng women’s at men’s tournaments.
Mula Hunyo 14 hanggang 19, ang Pasay City ang magiging venue para sa mga laro ng USA, China, Japan, Russia, Belgium, Poland, Thailand, at Canada sa women’s division.
Samantala, sa Quezon City naman idaraos ang mga laro para sa men’s tournament ng Japan, France, Russia, Slovenia, Argentina, Italy, Germany, at Netherlands sa Hunyo 21-26.
Hindi pa inaanunsiyo ang host cities para sa women’s at men’s finals.
“The 2022 event returns under the new dynamic format announced in August that sees teams competing in pools of eight teams during the preliminary rounds,” ayon sa competition website.
“The competition next year will bring the fans closer to the court, both literally and figuratively, through an ecosystem of in-venue and broadcast elements.”
Ang 2021 edition ay ginanap noong nakaraang Mayo hanggang Hunyo sa Rimin, Italy. Walang live audiences dahil sa nagpapatuloy na pandemya
Ang Brazil at USA ang defending champions sa men’s at women’s volleyball, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang host countries para sa VNL sa susunod na taon ay ang Brazil, Canada, Bulgaria, Japan, Russia, USA, at Turkey.