PH NILIGAWAN ANG CANADIAN INVESTORS

INVESTORS

HINIKAYAT ng economic managers ng Pilipinas ang Canadian companies na tingnan ang mga oportunidad sa bansa sa isang investor roadshow sa Toronto nitong Hulyo 13.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Briefing (PEB), binigyang-diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang dalawang bansa ay may malawak na oportunidad at kooperasyon na mae-explore pagdating sa kalakalan at pamumuhunan.

Sa isang statement noong Biyernes, sinabi ng DOF na ang Canada ay ranked 20th sa trading partners ng Pilipinas noong 2022, na may bilateral trade na nagkakahalaga ng USD1.5-billion.

Nasa halos isang milyon din ang mga Pinoy sa Canada, na ang cash remittances sa bansa ay umaabot sa USD1.2 billion.

“Canada, a global leader in clean energy, may benefit from the recent liberalization of the Philippines’ renewable energy (RE) sector. Foreign enterprises may now participate in the country’s RE sector, particularly in solar, wind, hydro, and tidal energy,” wika ni Diokno.

Aniya, niluwagan na ng Philippine government ang RE sector sa pagpapahintulot ng 100 percent foreign ownership para sa mga proyekto sa bansa.

Bukod sa paggamit ng RE technology, sin- abi ni Department of Budget and Manage- ment (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang pamahalaan ay nananatiling committed sa pagpapagaan sa epekto ng climate change.

Ibinahagi ni Pangandaman sa Canadian investors na dati nang tinaasan ng DBM ang alokasyon para sa climate adaptation measures ng 60 percent, at isinusulong ang Green Public Procurement Roadmap upang isama ang “green choices” sa public procurement.

Sa kanyang panig, nag-alok si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ng mga oportunidad sa 194 infrastructure flagship projects ng Marcos administration na nagkakahalaga ng P8.3 trillion.

Nagpahayag din ng suporta si Member of Parliament (MP) for Mississauga Rechie Val- dez, ang unang Pinoy na nahalal bilang Canadian MP, sa pagpapalakas ng bilateral relations sa pag- itan ng dalawang bansa, lalo na sa Indo-Pacific strategy ng Canada.

“Since the announcement of Canada’s Indo-Pacific strategy, our government has shown very clearly our commitment to working along-side the Philippines. And last month, our government announced that the new Indo-Pacific agriculture and agrifood office would be located in Manila,” sabi ni Valdez.

Ayon sa DOF, mahigit 80 senior executives mula sa Canada-based firms, gayundin ang mga kinatawan ng business groups, industry associations, financial community, at public sector ang dumalo sa 8th PEB sa Toronto.

PNA