PH TRACKSTERS MAPAPALABAN SA SINGAPORE

Eric Shawn Cray-2

BILANG paghahanda sa Southeast Asian Games, sasabak ang mga Pinoy sa Singapore Open Athletics Championships na aarangkada sa Marso 28.

“The event will determine their competitiveness in the SEA Games since they are facing athletes in Asia and other invited competitors outside Southeast Asia,” sabi ni Italian strength conditioning Carlo Buzzichelli.

Pamumunuan ni Brazil Olympian at Asian athletics champion Eric Shawn Cray ang kampanya ng Pinas sa paglahok sa middle distance na kanyang dinomina sa Asian Athletics Championships sa Bubanishar, India matapos na sumali sa Asian Games sa Korea.

Sa Singapore ay nanalo si Cray sa 100m at 200m at itinanghal na ‘King of Sprint” noong 2015 Southeast Asian Games.

Kasama ni Cray sa torneo sina Immuel Camino, Jomar Udtohan, Clinton Kingsley Bautista, Janry Ubas, Edgardo Alejan, Archand Bagsit, Marco Vilog, at Francis Medina.

Sinabi ni Cray na magiging sandigan niya ang kanyang malawak na karanasan upang muling bigyan ng karangalan ang bansa.

“I am dead serious and determined to win my events no matter how tough my rivals are. I have a mission in Singapore to win honors for the Philippines,” sabi ni  Cray na nakabase sa El Paso, Texas, USA.

Ayon kay PATAFA president Philip E. Juico, bukod sa Singpore Open ay lalahok din ang mga atleta sa iba pang torneo para mahasa nang husto at lumakas ang tsansa na manalo sa SEA Games.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.