ANG athletics ang pinakatampok na laro na may 46 events sa Southeast Asian Games at may pinakamalaking budget sa lahat ng National Sports Associations (NSAs) na ipinagkakaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang premier sport.
Kung pagbabasehan ang mga laro ng mga Pinoy sa mga nagdaang overseas competitions ay walang duda na kaya nitong higitan ang 11 golds na nasungkit sa 2019 edition ng biennial meet na ginawa sa Filipinas.
Nagtagumpay ang mga Pinoy sa mga torneo na ginanap sa Qatar, Singapore, South Korea at China, dahilan para maging kumpiyansa si PATAFA president Philip Ella Juico na magiging maganda ang performance ng bansa sa 2021 SEA Games sa Vietnam.
“I am pretty optimistic they will surpass the medals we got in the last SEA Games. Naniniwala ako sa kanilang galing at kakayahan,” wika ni Juico.
Sinabi ni Juico na lalahok ang kanyang mga atleta sa iba’t ibang overseas competitions para maging handa bago sumabak sa SEA Games.
“I will send my athletes in various tournaments abroad to make them well-honed and well-prepared. I want to make sure their campaign in Vietnam will become productive,” sabi ni Juico.
Dahil sa malaking budget ay umaasa si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na muling magtatagumpay ang mga bata ni Juico sa Vietnam.
“Malaking budget ang bigay ng PSC sa athletics. Dapat ay tumbasan ito sa pamamagitan ng magandang laro at manalo ng maraming medalya,” ani Ramirez.
Ang medal campaign ng athletics ay pangungunahan nina Olympic-bound Ernest John Obiena na puntirya ang three-peat sa pole vault.
Bukod kay Obiena, pambato rin ng athletics sina SEA Games record holders Aries Toledo, Natalie Uy, Kristina Knott, William Morrison, Brazil Olympian Eric Shawn Cray, Harry Mark Diones, Emmuel Camino, Anfrenee Lopena, Edgardo Alejan, Patrick Unso, Jomas Udtohan, Marco Vilog, at Francis Medina.
“Hopefully, they will duplicate their triumphs in the last SEA Games,” dagdag ng dating PSC chairman. CLYDE MARIANO
Comments are closed.