PHILHEALTH HANDA NA SA UNIVERSAL HEALTH CARE LAW

PHILHEALTH

HANDA na ang Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) sa full implementation ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Law na ang mga maralita ang pangunahing matutulungan.

Sa pulong balitaan na pinangunahan ni Philhealth President and Chief Executive officer Ricardo Morales, P153 bilyon ang kanilang rekomendasyon para sana sa 2020 budget su­balit P67 bilyon lamang ang ibinigay nila.

Gayunman, naniniwala si Morales na posibleng madagdagan pa ang ibibigay sa kanilang budget.

Habang isinaalang-alang din ang makukuhang sin tax, gayundin mula sa Philippine Cha­rity Sweepstakes Office at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Sakali naman aniyang hindi madagdagan ang kanilang pondo, tiniyak ni Morales na kumpleto nilang maaayudahan ang mga miyembro na nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) na itinuturing na kanilang prayoridad na matulungan sa hospital bill payment.

Bukod sa mga nasa GIDA, hindi rin mababawasan ang kanilang ayuda sa mga Indigent na umaasa sa Philhealth.  EUNICE C.