CAMP AGUINALDO – KINUMPIRMA ng Department of National Defense (DND) na nahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Lt. Gen. Gilbert Gapay, commander ng Southern Luzon Command, bilang susunod na pinuno ng Philippine Army.
Nakatakdang palitan ni Gapay si Philippine Army chief Lt. Gen. Macairog Alberto.
Si Gen. Alberto ay naabot na ang kanyang mandatory retirement age na 56 ngayong Biyernes, Disyembre 6.
Ayon kay MGen. Arnulfo Marcelo Burgos, pinuno ng Army 2nd Infantry Division. Malaki ang nagawa ni Gapay bilang ika 34th at kasalukuyang pinuno ng SOLCOM lalo na sa pagpapahina ng CPP-NPA.
Gayundin, sa pagsusulong ng mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay sa pagbabalik loob ng mga rebeldeng NPA.
Si Gapay ay dating nagsilbi bilang commander ng Mechanized Infantry Division at deputy commander ng Eastern Mindanao Command.
Nanguna rin ito sa klase sa Philippine Military Academy “Sinagtala” Class of 1986.VERLIN RUIZ
Comments are closed.