(Pinag-aaralan ng gobyerno) 100% CAPACITY SA PUVS SA ALERT LEVEL 1

PUVs

PINAG-AARALAN ng gobyerno na buksan ang lahat ng ruta ng transportasyon at ibalik ang 100% na kapasidad sa mga pampublikong sasakyan sakaling isailalim sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Officer-In-Charge and General Manager Romando Artes, makikipagpulong ang mga opisyal ng ahensiya sa mga executive ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franching and Regulatory Board (LTFRB), at Land Transportation Office (LTO) sa Lunes para pag-usapan ang mga protocol na ipatutupad sa ilalim ng Alert Level 1.

Lahat, aniya, ng posibleng restriksiyon sa nasabing alert level ay tatalakayin ng technical working group para isumite sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Matatandaang inihayag ni Parañaque City Mayor at Metro Manila Cauncil Chairman Edwin Olivarez na ang mga alkalde sa NCR ay sang-ayon sa pagbaba ng rehiyon  sa naturang alert level. DWIZ 882