INIREKOMENDA ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang pananatili ng fishing bans sa oil spill-affected areas sa Oriental Mindoro dahil sa bahagyang pagtaas ng langis at sebo sa tubig at fish samples.
Ayon sa DA-BFAR, sa pinakahuling pagsusuri ay lumabas na bahagyang tumaas ang langis at sebo sa Clusters 1 (Calapan at Naujan) at Cluster 3 (Bansud, Gloria, at Pinamalayan)
Inirekomenda ng BFAR ang pagpapanatili sa fishing ban sa Clusters 1, 2, at 3 dahil sa panganib ng kontaminasyon mula sa mga bakas ng langis na hindi pa natatanggal sa lugar.
“The recent analyses likewise showed that the fishing waters in Clusters 4 (Bongabong, Bulalacao, Mansalay, and Roxas) and 5 (Baco, Puerto Galera, and San Teodoro) were within acceptable standards for fishing activities,” ayon sa BFAR.
Sa kasalukuyan ay pinapayagan ng provincial government ng Oriental Mindoro ang fisherfolk ng Calapan at Naujan na mangisda sa municipal waters ng Baco, Puerto Galera, at San Teodoro.
Samantala, ang fisherfolk ng Pola, Bansud, Gloria, at Pinamalayan ay pinahihintulutang mangisda sa Bongabong, Bulalacao, Mansalay, at Roxas.
Ang MT Princess Empress ay lumubog noong February 28 sa Naujan, Oriental Mindoro habang lulan ang 900,000 litro ng industrial fuel.