PINAY BATTERS ‘OLAT’ SA CHINA

SOFTBALL

PINATAOB ng China ang Pilipinas, 4-2, at pinayuko ng Japan ang Chinese-Taipei, 10-3, sa Asian Junior 19-Under Women’s softball sa Clark International Sports Complex sa Pampanga.

Magsasagupa ang China at Chinese-Taipei at ang mananalo ay haharapin ang Japan sa winner-take-all match.

Umiskor ang China ng dalawang home­runs galing kina Yang Tus Qi at Xi Jian sa first inning, pinasuko ni pitcher Wang Xin Tu ang walong Pinay sa pamamagitan ng strikeouts at pinaulanan ng kanyang teammate sina Kaith Exra Jalandoni at Royeve Palma upang mapanatili ang dominasyon sa Pili-pinas.

Gumawa rin ng da­lawang  homeruns ang Japan sa third at fourth innings at pinadapa ang Chinese-Taipei sa se­ven innings na laro.

Matapos bokyain ng mga Pinay sa upper ng first inning, sinorpresa nina Yang Tus Qi at Xi Jian si Kaith Ezra Jalandoni sa pamamagitan ng solo homerun sa bottom ng first inning at  hindi na binitawan ang lamang upang  ­iposte ang impresibong panalo.

Ang China ay dalawang beses na nag-runner-up sa Japan noong 1997 sa India at 2017 sa Chinese-Taipei.

Dinomina ng Japan at Chinese Taipei ang torneo kung saan nanalo ang Japanese  noong 1997, 2004, 2009 at 2015 habang ang Taiwanese ay nangibabaw noong 2000 at 2017.     CLYDE MARIANO

 

Comments are closed.