SINANG-AYUNAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtaas sa pork importation sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng Pangulo na gawing 350,000 metric tons ang aangkating baboy mula sa dating 54,000 metric tons.
Dagdag ni Roque, sumulat na sa Kongreso ang Pangulo para sa pagtaas ng minimum access volume o dami ng mga karneng baboy na aangkatin ng bansa.
Ang naturang desisyon ay para maging stable ang suplay ng baboy at bumaba ang presyo nito.
Sinabi naman ni Roque na nakadepende sa Kongreso kung papayagan ang rekomendasyon ng Pangulo. DWIZ 882
Comments are closed.